Saturday, April 12, 2008

5 years na nga

Nagkataon lang pala na naisabay ang nasabing block reunion sa aming graduation na limang taun na ang nakararaan. Tumuloy ako, kahit na wala ako sa sarili ko. Hindi ko alam baka meron nga namang magandang mangyari sa Biyernes ko.

Ano nga ba ang nangyari?

Dumating ako dalawang oras lagpas sa pinag usapan. Balak ko lang din kasing maglibot sa mall kaya kahit hindi ko sila makita ay ayos lang. pero ewan ko ba bakit bigla ko nalang inilabas ang telepono ko at nagtatawag ng kung sinu sinong ka-klase para hanapin kung nasan na nga sila. Nanghinayang siguro ako sa pagkakataon na pwede akong makipag asaran sa kanila. Nang dumating ako, dalawa pa lang ang nauna sakin si tago at si mary had a little lamb na si jocjoc. Puti na ang mga mata nila at hindi ko alam bakit nga ba nag aantay pa sila. Ngayon tatlo na kaming nagpapa putian ng mata at nag aabang ng text kung sino pa nga ba ang pupunta o magtatanong kung nasan na kami. Si mheng na ang huling dumating, si mavic na nasa byahe pa lang ay kailangan bumalik sa kanila dahil namatay ang pinsan ng mommy nya. At ayan na nga ang kabuuan ng mga nagkita-kita na blockmates na ang akala kong dahilan ay ang 5 taong paglipas ng panahon mula nang kami ay magsipag tapos.

Pagkatapos makabili ni mheng ng mighty bond at makapag balot ng kanyang regalo para sa pupuntahan nyang kasal kinabukasan ay napag pasyahan na din naming kumain. Pero bago kami maka kain ay naka isang ikot pa kami sa buong mall bago napagpasyahan kung saan nga ba kakain. Sa TokyoCafe kami kumain pero hindi kami bumili ng kahit anong japanese food. Ang galing diba? Habang kumakain dun lang din namin naisip/inisip kung ano nga ba ang balak namin at gusto naming pagkita kitain ang aming mga ka-klase. Bakit nga ba dapat pa kaming magkita? Ito ang ilan na naisip namin:
>Magkaroon ng buwanan o taunan na pagkikita ang block
>Magkaroon ng e-group para updated ang lahat
>Magkaroon ng pagkakataon na maging mas malamin ang relasyon ang isa't isa
>Makatulong sa ka-klase, tulad ng trabaho o kahit sa pakikiramay manlang
>Magkaroon ng opisyal na representasyon sa kolehiyo at marami pang iba na sa isip na lang muna namin. Ü

No comments: