Mrs. Magdaong informed her class about my upcoming birthday and before they can even greet me I stared at them like I want them to keep their stories to themselves. Some still managed to greet me and they never failed to see my smile and enjoy my ever lively class.
Tag ulan
Kumusta na nga ba ang tag-ulan ko? Ang tutuo nakalimutan ko na ang tungkol dun hanggang kinamusta ako ni Karen kanina. Tama ka, masarap maglaro sa ulan, kahit na minsan ay magkakasakit tayo, pero minsan kung kailan tayo natutuwa na uulan at balak nating magpaka basa ay bigla itong titigil na kahit konti ay walang bakas sa kalsada na umulan. Minsan maiisip mo na sana ay mas maaga kang lumabas sa ulan o kaya naman ay sana hindi ka na lang lumabas. Ngunit kahit alin man ang piliin, hindi tayo makatitiyak sa kalalabasan. Kung ang ulan ay magiging bagyo o kung ito man ay mananatili lamang na ambon. Hay!
Nakabubuwang, hindi ba? Nitong mga huling araw ay naging abala ako sa kakaisip ng tungkol lamang sa sarili ko. Walang komunikasyon sa cellphone o sa email man. Ang daming naging kailangang pagka abalahan at buti na lang at natapos din. Nasa ikalawang semestre na ako ng aking pagpapakadalubhasa sa edukasyon at sana nga ay may mapala ako pagkatapos ko nito. Maya’t maya na lang ay nagugulat ako sa mga bagay na hindi ko naman inaasahan sa muli kong pagbalik sa pamantasan, Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano pa ang ibang naghihintay sa’kin sa pag aaral kong ito.
Tapos na ang training ko sa pag bubumbero pati na rin ang SFA/BLS pero hanggang ngayon hindi pa din dumadating ay ID namin sa PNRC. Wala na akong masyadong kinasasabikan sa pagtakbo sa sunog o kung ano pa mang gawain na may kinalaman sa aming brigada. Nagbabalak na din akong lumipat ng brigada ngunit inaabangan ko pa ang dalawang kong ID. May dalawa na akong balak lipatan: isa may kanto namin at ang isa sa may bahay ng mga pinsan ko. Pareho silang walang malaking grupo na kinabibilangan ngunit masipag sila sa pag responde sa sunog.